Last week, I had this brilliant idea to go to Quiapo - alone. I never went there alone before - lagi ko kasama either si mama or friends ko. So, it was quite an adventure.
I am making accessories (lots and lots of them) for my officemate's sister. She sent me the pics of the stuff she wanted 2 weeks ago, so I thought I better work on it before she changes her mind. Since I cannot work with incomplete materials, I decided I have to buy stuff na.
From Makati, nag-bus ako papuntang Quiapo. Para akong nag-field trip!! The bus travelled painfully slow, but I enjoyed it. Syempre, ang taga-bundok, tuwang-tuwa sa Manila City Hall, PGH, Metropolitan Museum, at sa mga gumamelang pa-wet effect pa painted on the LRT posts. Laking gulat ko na lang pagdating ko sa Quiapo - SOBRANG DAMI NG TAO! Dati kasi, kahit papano, makakalakad ka pa ng maayos. Nung pumunta ako, parang walang mahulugan ng karayom -_-
So... I went to the usual place na binibilan ko ng mga aning-aning ko. Bad trip talaga ko nung nakita kong yung 1 strand of pearls that I bought in St. Francis Square for 75 pesos (after 5 minutes of tawad pa yun ha, tuwang tuwa na ko sa lagay) ay... janjananan... 20 pesos lang doon. Alanjo.... Anyways, naka-1K mahigit ako sa mga pinagbibili ko. Nakakatuwa talaga bumili ng something na priced at 150, pero pag bumili ka ng at least 6 pcs ay 80 pesos na lang, tapos magsmile ka pa ng onti sa tindera at yung isang item pa na 100 pesos naging 50 pesos na lang :D Ang saya!
Nung pauwi na ko, I retraced yung way kapag kasama ko ang aking dakilang officemates na si Chris at Judith. We usually go to the underpass, akyat to Hidalgo, bili ng DVDs, then hatid si Jud. And then... and then... then... hindi ko na alam!!! Ilang beses ko inulit-ulit sa utak ko kung paano ako nakakauwi, then I realized kasama ko si Chris pag naglalakad papuntang LRT... and ngayon di ko na alam. I kept thinking - wag magmukhang tanga at baka manakawan ka na naman. Shit. I went to the nearest Greenwich and called up Mike. I asked him how to get home, and the first thing he told me was, "Bakit nagse-cellphone ka dyan sa Quiapo?!" Nakampante na lang sya nun sinabi kong nasa loob ako ng Greenwich. "Bakit ka kasi pumupunta dyan ng ikaw lang mag-isa? Ni hindi ka pa marunong umuwi..." Oo nga naman :'( He told me the directions (Sakay ng G-Liner to Legarda Stn, the LRT) and bumawi naman sya with "Ingat ka By pauwi ha." Teehee. :)
Sobrang relief at comfort ang nadama ko when I got on the LRT. I didn't care that I was standing up the whole time, carrying what could have been 5 kilos of beads. I really felt stupid going there alone - and a lot dumber that I even thought of bringing along my little cousin with me, had she not went home to Bataan the other day. Hay.. super thanks talaga kay Lord at nakauwi ako ng maayos.
Will post the pics of the accessories I made over the weekend soon. Hopefully they are beautiful enough and worth all the effort that is Quiapo.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Ei Tinnerts!
Naisip ko lang, i can take pictures of the accessories that you make.
Good practice na rin for me :)
-oso
sure sure :D pag nakagawa ako ulit. Thanks Alds :)
Post a Comment