Tuesday, June 26, 2007

naalala ko lang

Nasa 2nd row ako ng van pauwi kagabi, nang may sumakay na magsyota sa harapan ko. Apatan sa isang row, at nandon pa sila malapit sa pintuan kaya kitang-kita ng buong sasakyan. Kasasakay pa lang nila, naglambutsingan na. Kung maghalikan akala mo sila lang ang tao sa mundo. Yung babae, grabe humarot... gusto atang sakyan yung lalaki dahil mula bewang pataas, nakadikit sa likod nung lalaki (may pinaparamdam kaya sya?)
Nairita ang lola mo, at di ko mapigilang magsabi ng, "Ano ba yan!" Ang mali ko lang, naka-earphones ako at di ko namalayan na napalakas ang sabi ko... napatingin sa kin yung babae ng medyo busy sa paghalik sa leeg ng syota nya. Natauhan siguro at naisip na wala sila sa motel... tumigil sila at umupo ng maayos hanggang makarating sila sa kanilang babaan.

Hindi ako manang, at sigurado akong may times na sweet kami ng boyfriend ko sa harap ng maraming tao. Pero kung tila foreplay na ang ginagawa nyo at ako ay direktang nasa harap nyo sa isang masikip na van... utang na loob. Wala akong hilig sa porn.


PS: Naisip kong mga magagandang bagay na lang ang isusulat ko rito, pero sadyang malas ata ako nitong mga nakaraang araw at wala akong masulat na maganda, maliban sa isang mahabaging Aleman na dinefer ang isang trabaho ko. Sana bukas, gumanda naman ang araw ko, tutal kaarawan naman ni Mike.
Yun lang.

4 comments:

carla said...

Yikes! Sa train dito naghahalikan talaga.... As in you can hear your sloppy kisses nila. Kadiri!!! Pero high kasi yung mga yun eh --- not sure kung sa crack or gasoline (yeah, even 1st world countries are not spared from drug addicts)

malditang chinita said...

eww. buti nalang tin naka-earphones ka. hahaha.

sweetlouie said...

naku po, buti d mo sila pinag-untog hehehe

tinnerts said...

hahaha... nakita ko nga uli yung girl kahapon e, wala yung jowaers nya. buti na lang... :P